Kapakanan ng SMEs, inaasahang isusulong ng Pangulong Duterte sa ABAC at Pacific Island Leaders

Makakasalamuha mamaya  ni Pangulong Rodrigo Duterte ang iba’t ibang Chief executive officers para sa gagawing Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Business Advisory Council (ABAC).

Ito ang isa sa itinuturing na pinakatampok na aktibidad ng Pangulo ngayong araw na ito, kaugnay ng kanyang pagdalo sa 2018 APEC Economic Leaders’ Week na ginagawa sa Port Moresby, Papua New Guinea.

Makakasama rin ng Presidente ang iba pang APEC leaders, na magkakaroon ng diyalogo sa Pacific Island Leaders para sa hiwalay na event mamayang hapon.

Sa dalawang nakatakdang aktibidad ay inaasahang ihahayag ng Presidente ang kanyang suporta sa pagpapalakas ng mekanismo para sa Small and Medium Scale Enterprises (SMEa) gamit ang digital at online platforms upang maiparating  ng mga ito ang kanilang produkto at serbisyo maging sa ibayong dagat.

Alas-2:30 mamaya magsisimulang magsidatingan ang APEC leaders sa APEC house para sa pagsisimula ng APEC Leaders’ Week. | ulat ni Alvin Baltazar