Kapakanan ng mga kabataan, laging isinasaalang- alang ng batas – Palasyo

Palaging isinasaalang- alang ng batas ang kapakanan ng mga kabataan, ito ang iginiit ni Presidential Spokesperson Secretary Salvador Panelo sa gitna pa rin ng usapin sa pagpapababa ng criminal age liability sa bansa.

Ayon kay Panelo, kailangang maintindihan ng publiko na ang isinusulong na pagpapababa sa 12 anyos ng mga ikukunsiderang youth offenders ay hindi naman nakatutok sa pagkulong sa mga ito, sa halip ay inilalayo ang mga kabataan sa mga criminal syndicate.

Bukod dito, palalakasin rin ng batas ang mga paraan ng epektibong rehabilitasyon ng mga kabataang gagawa ng krimen.

Ayon kay Panelo, hindi niya maintindihan kung saan kinukuha ng oposisyon ang mga pag-aaral na hindi makakayang gumawa ng krimen ng mga kabataan.

Aniya, kahit maliit ang bilang ng mga youth offender hindi maikakaila na mayroon pa ring bahagi ang mga ito sa kabuuang bilang ng mga law offender, at ito aniya ang dapat na tinututukan. | ulat ni Racquel Bayan