Kampo ng mga higanteng politiko sa Albay, inaabangang magsumite ng COC

Madalang parin ang mga kandidatong nag-file ng Certificate of Candidacy (COC) sa mga tanggapan ng komisyon sa Albay, Legazpi City at ibang bayan sa probinsiya, isang araw bago ang deadline ng paghahain ng COC ng mga tatakbo sa midterm election sa May 2019.

Ayon kay  Atty. Romeo Serrano, Bicol Comelec Assistant Regional Director, tiyak dadagsa bukas ang maghahain ng kanilang COC.

Sa tala ng Comelec Albay, pitong kandidato pa lamang ang nag-file ng COC,  dalawa sa pagka-gobernador na sina Retired General Galma Arcillla at dating Comelec Bicol Regional Director Atty. Zacarias Zaragosa.

Dalawa sa Congressman, sina incumbent 2nd District Representative Joey Sarte Salceda at 1st District Representative Edcel Lagman, at tatlong board members, isa na rito si incumbent board member Raul Rosal, habang sa Comelec Legazpi, ay isa pa lang ang naghain ng COC.

Kaakibat nito, inaabangan ang  pag-file ng COC ng Team Unity ni Mayor Noel Rosal ng Legazpi,  kampo ni Vice Governor Harold Imperial na tatakbo sa pagka-gobernador, gayundin ang kampo ni incumbent Governor Al Francis Bichara. | ulat ni Nancy Mediavillo