Kamara, tiniyak na pagtitibayin ang nasa 12 nakabinbing economic measures

Tututukan ng Kamara ang pagpapatibay sa nasa labingdalawang economic legislation sa pagbabalik sesyon nila sa susunod na linggo.

Ayon kay Majority Leader Martin Romualdez, batay sa atas ni Speaker Lord Allan Velasco, prayoridad ang 12 panukala na inendorso ni Finance Secretary Sonny Dominguez bilang bahagi ng legislative priorities ng ahensya upang muling mapasigla ang ekonomiya ng bansa mula sa epekto ng COVID-19 pandemic.

“Once these measures were approved by the Senate and enacted into laws, we expect the Philippines to keep its status as one of the emerging economies in the world in terms of financial strength and economic resilience” punto ni Romualdez.

Sa naturang mga panukala, lima na ang naiakyat sa plenaryo partikular ang Government Financial Institutions Unified Initiatives to Distressed Enterprises for Economic Recovery (GUIDE), Digital Transactions Value Added Tax, Bureau of Fire Protection (BFP) Modernization Program, Fiscal Mining Regime, at Internet Transactions Act/E-Commerce Law.

Kasalukuyan namang nasa committee level pa rin ang iba pa tulad ng Military and Uniformed Personnel (MUP) Services Separation, Retirement, and Pension Bill, Armed Forces of the Philippines (AFP) Modernization Bill, Coconut Farmers Trust Fund Bill, Department of Water Resources and Water Regulatory Commission Bill, Warehouse Receipts Bill, National Disease Prevention and Management Authority Bill at National Land Use Bill.