Kamara, tiniyak ang pag apruba sa panukalang magbibigay prayoridad sa kapakanan, proteksyon ng caregivers

Asahan ang mabilis na pag-apruba sa panukala na magbibigay prayoridad sa kapakanan at proteksyon ng mga caregiver.

Matapos na makalusot sa House Committee on Labor ay agad na bumuo ng technical working group (TWG) para pag isahin ang apat na panukala.

Sa ilalim ng panukalang batas, nakasaad ang pagkakaroon ng mahigpit na polisiya sa private employment agencies na nagha-hire ng mga caregiver sa pamamagitan ng paglilisensya at pag-regulate sa mga ito ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Pinatitiyak rin dito na makakatanggap ng tamang sahod at nararapat na benepisyo ang mga ito.

Nakasaad din na dapat ay sumailalim sa pre-employment orientation ang mga caregiver at kanilang mga employers, gayundin ang pagkakaroon ng kontrata upang malinaw ang karapatan at responsibilidad sa bawat isa.