Kamara, susubukang maipasa ang proposed 2020 National Budget ngayong araw

Susubukan ng Kamara na ipasa ngayong araw sa third and final reading ang panukalang P4.1-Trillion 2020 National Budget.

Ngayon ang huling araw ng plenary deliberations para sa pambansang pondo, pero ayon kay House Appropriations Committee Chairman Isidro Ungab, dahil sa pag-certify dito ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang urgent ay maaari nang i-derecho ito sa 3rd reading.

Mas maaga ito ng dalawang linggo mula sa orihinal na target nila na October 4.

Muli namang binigyang-diin ni House Ways and Means Committee Chairman Joey Salceda na “no insert, no delay, no impasse, no pork at no GDP cuts” ang pambansang pondo.

Nagpapasalamat naman ang Kamara sa hakbang ng Pangulo na sertipikahang urgent ang panukalang pondo dahil ang pagpapasa sa budget sa oras ay mahalaga upang mapalakas ang ekonomiya ng bansa.