Kamara, magsasagawa ng briefing hinggil sa pagpapatupad ng GCTA

Magsasagawa ang House Committee on Justice ng briefing tungkol sa pagpapatupad ng good conduct time allowance (GCTA).

Kasunod ito ng isyu sa pagpapalaya sa ilang high profile inmates na sangkot sa mga heinous crime tulad ni dating Calauan Mayor Antonio Sanchez.

Sa kabila ng imbitasyon ay hindi naman makadadalo sina Justice Secretary Menardo Guevarra at BuCor Director General Nicanor Faeldon.

Noong nakaraang linggo, ay dalawang mambabatas ang naghain ng resolusyon para magsagawa ng imbestigasyon ang kamara hinggil sa tila pang-aabuso sa implementasyon ng naturang batas.