Kamara, ikinatuwa ang high approval rating ni Speaker Cayetano

Ikinatuwa ng liderato ng House of Representatives ang resulta ng September Pulse Asia survey, kung saan nakakuha ng 64% approval rating si House Speaker Alan Peter Cayetano.

Ayon kay House Majority Leader Martin Romualdez, kaisa sila sa mga sumusuporta sa magandang pamamalakad ng liderato ni Cayetano.

Aniya ang suporta ng taumbayan ay lalong mag-uudyok sa kanila upang pagbutihin pa ang kanilang trabaho.