Kamara, hahanapan ng pondo ang ayuda para sa mga magsasakang apektado ng mababang farmgate price ng palay

Susubukan ng Kamara na hanapan ng P7 billion na pondo na pang-ayuda para sa mga magsasaka na apektado ng mababang bilihan ng palay.

Ayon kay House Speaker Alan Peter Cayetano, gagamitin ang pondo para bilhin sa patas na presyo ang mga palay ng magsasaka.

Speaker Alan Peter Cayetano

Pahayag ni Speaker Alan Peter Cayetano hinggil sa ayuda para sa mga magsasaka na apektado ng mababang bilihan ng palay. | via Kathleen Jean Forbeswww.radyopilipinas.ph

Posted by Radyo Pilipinas on Tuesday, September 10, 2019

Bukod pa aniya ito sa halos P9 billion na nasingil ng Department of Finance (DOF) mula sa mga taripa ng imported na bigas.

Inihayag rin ni Cayetano, na nasa anim na probinsya kasama na rin ang siyudad ng Taguig, ang makikibahagi sa programa ng DOF at Department of Agriculture (DA) para direktang bumili ng palay mula sa mga magsasaka.