Kamara di babaguhin ang petsa para ipasa ang proposed 2021 National Budget

Sa October 14 pa rin target ipasa ng House of Representatives ang P4.5-trillion proposed 2021 National Budget.

Ayon kay House Committee on Appropriations Chair Eric Go Yap, hindi nila babaguhin ang petsa kung kailan nila ipapasa ang panukalang pambansang pondo sa kabila ng isyu sa speakership.

Aniya, sinoman ang speaker sa araw na iyon ay ipapasa pa rin nila ang 2021 General Appropriations Bill.

Una na ring tiniyak ni Anakalusugan Representative Mike Defensor sa publiko at kay Pangulong Rodrigo Duterte na on time maipapasa ng Kamara ang pambansang pondo.

Ito’y sa kabila ng pagkaantala sa deliberasyon ng pambansang pondo sa plenaryo ng isang araw upang maplantsa sa mga ahensya ng gobyerno ang kanilang paglalaanan sa mga hinihinging pondo.