Kamandag Exercises sa pagitan ng US military at AFP, magbubukas ngayong araw

Magbubukas ngayong araw ang Kaagapay ng Mandirigma sa Dagat o Kamandag exercise sa pagitan ng US military at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Subic Bay International Airport, Olongapo City.

Ayon kay Philippine Marines Spokesperson Captain Jerber Anthony Belonio, ang ehersisyo ay lalahukan ng 1000 tropang Amerikano, 350 sundalong Pilipino at 100 sundalong Hapon.

Bukod sa aktibidad sa Subic, magkakaroon din ng boat raid sa Ternate, Cavite, live fire exercises sa Crow Valley sa Tarlac, at Amphibious landing sa Zambales.

Ang Kamandag exercises ay tatagal ng 10 araw bago ang closing ceremony sa Marine Headquarters sa Fort Bonifacio.

Ayon kay Belonio, ang pagsasanay ay sesentro sa interoperaibility exercises sa counter terrorism, humanitarian assistance at disaster response.

Nilinaw ni Belonio, na hindi kasali sa mismong mga ehersisyo ang mga sundalong Hapon, kundi tatayo lamang bilang mga observers.  | ulat ni Leo Sarne