Kalusugan ni Pangulong Duterte, nasa ‘tip-top shape’ ayon kay SAP Go

Walang dapat na ikabahala sa kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang binigyang-diin ni Special Assistant to the President Christopher Lawrence “Bong” Go kasunod ng lumutang na ulat na isinugod ang Pangulo sa ospital kahapon.

Kung ilalarawan ayon kay Go ang estado ng kalusugan ng Presidente ay ito ay nasa tip-top condition upang pangunahan ang pagtitimon sa bansa sa susunod na apat na taon.

Pagbibigay-diin ni Go, malusog ang Pangulong Duterte at walang dapat na ikapangamba ang publiko hinggil sa estado ng kalusugan ng Chief Executive.

Dagdag pa ni SAP Go na karapatan ng bawat Pilipinong malaman ang kondisyon ng kalusugan ng Presidente kaya’t wala silang anumang itatago ukol dito. | ulat ni Alvin Baltazar