Kalidad at resiliency ng mga trabaho, malaking batayan sa recovery ng bansa

Photo from Rep. Joey Salceda FB account

Welcome para kay House Ways and Means Committee Chair Joey Salceda, ang pagbaba ng unemployment rate para sa buwan ng May.

Batay sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA), mula sa 8.7 percent unemployment rate noong April 2021 ay bumaba ito sa 7.7 percent noong May.

Positibo rin ang pagtingin ng mambabatas sa pagbaba ng underemployment rate sa 12.3 percent, at pagtaas naman ng labor force participation rate sa 64.4 percent.

Ibig sabihin aniya nito, ay nagkaroon ng 1.5 million na trabaho sa pagitan ng April hanggang May.

Sa kabila naman nito nagpaalala si Salceda, na nakabatay pa rin ang recovery ng bansa sa kalidad at katatagan ng mga trabaho na ito.

Malaki namang tulong ang pagtaas sa vaccination rate para mas mapalakas pa ang job creation ng bansa, at para mas maging epektibo ang mga economic stimulus na binabalangkas ng pamahalaan.

Diin naman ng kinatawan, na kailangan pa rin ang Bayanihan 3 na sasabayan ng agresibong credit stimulus plan, para sa business recovery at dagdag na mga bagong negosyo.