Kakapusan ng suplay ng baboy sa Disyembre, pinangangambahan

Pinangangambahan ng Meat Importers and Traders Association (MITA) na magkaroon ng kakulangan ng suplay ng karneng baboy sa pagpasok ng Disyembre.

Ito ay dahil sa peste na dumapo sa mga alagang baboy na naging sanhi ng kanilang pagkamatay lalo na sa mga backyard farm.

Ayon kay MITA President Jesus Cham, sa ngayon dapat maging transparent ang mga hog raiser at makipagtulungan sa Local Government Unit (LGU), para hindi na lumala at maagapan ang pagkalat ng sakit sa baboy.

Plano na rin ng mga meat importer na makipagpulong kay Agriculture Secretary William Dar, para hilingin na payagan na silang mag-angkat ng pork products sa Germany.

Aniya, ligtas sa African Swine Fever ang bansa.

Dagdag pa ni Cham, na malaking porsiyento ng inaangkat na karneng baboy at pork products ay mula sa Germany.

Gagawin ng mga importer ang pakikipagpulong sa kalihim sa sandaling matapos na ang pagsusuri at makumpirma ang sakit na dumapo sa mga alagaing baboy.