Kahandaan ng PharmaServ cold storage facility sa posibleng interruption, sinilip ni Mayor Teodoro

Sa gitna ng mga nagaganap na rotational brownout, ininspeksyon ni Marikina Mayor Marcy Teodoro ang Pharmaserv Cold Storage facility, na nagsisilbing imbakan ng libo-libong COVID-19 vaccines na suplay ng bansa.

Ayon sa alkalde, nais nitong makatiyak na hindi maapektuhan ang operasyon ng storage facility kahit na may kakapusan sa reserba ng kuryente.

Sa loob ng pasilidad, naka standby naman ang mga generator set na siyang bahagi ng contingency measures ng Pharmaserv, sakaling tamaan pa rin ito ng power interruption.

Sinabi naman ni Mayor Teodoro, na nakipag-ugnayan na ito sa Meralco upang siguruhin na hindi tatamaan ng brownout ang storage facility gayundin ang mga vaccination site nito sa lungsod.