Kabataan Partylist, suportado si COMELEC Comm. Guanzon

Ikinalugod ng Kabataan Partylist ang naging desisyon ng Commission on Elections (COMELEC) First Division hinggil sa nominasyon ni dating National Youth Commission Chair Ronald Cardema bilang kinatawan ng Duterte Youth Partylist.

Ayon kay Kabataan Partylist Representative Sarah Elago, nagpapasalamat sila dahil pinakinggan ng poll body ang petisyon ng youth groups dahil hindi naman matapat na kinakatawan ni Cardema ang youth sector lalo’t 34-na-taong-gulang na ito.

Nanawagan din si Elago sa mga taga-suporta ni Cardema na tigilan na ang pangha-harass kay COMELEC Commissioner Rowena Guanzon.

Aniya, ginagawa lamang ng opisyal ang kanyang mandato.