“Justice will be served”, pagtitiyak ng PNP chief sa kanyang pagbisita sa Isulan blast victims

Tiniyak ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Oscar Albayalde sa mga biktima ng pagsabog sa Isulan na “Justice will be served.”

Ang pagtitiyak ay binigay ng PNP chief sa kanyang pagdalaw sa blast victims kahapon ng umaga na nagpapagaling sa Sultan Kudarat Provincial Hospital.

Matapos bumisita sa ospital, iniulat ni Albayalde na out of danger na ang lahat ng 36 na nasugatan sa pagsabog sa Isulan noong Martes ng gabi kung saan 15 na sa mga ito ang na-discharge na sa ospital.

Nakipagpulong din si Albayalde sa mga police official ng Police Regional Office 12 (PRO-12) kung saan iprinisinta sa isang closed door session ang cartographic sketch ng pinaghihinalaang bomber.

Ayon sa PNP chief, may mga iba pang hinahanap na persons of interest ang PNP na kasabwat ng prime suspect. | ulat ni Leo Sarne

Photo courtesy: PRO-12