Justice Sec. Guevarra, suportado ang pag-amiyenda sa GCTA Law

Bukas si Justice Secretary Menardo Guevarra sakaling mag-desisyon ang Kongreso na amiyendahan ang Good Conduct Time Allowance o GCTA Law.

Sa budget briefing ng Department of Justice (DOJ) sa Kamara, sinabi ni House Justice Committee Chair Vicente “Ching” Veloso na dapat nang pag-aralan kung dapt pang isama sa mga exempted na mag-benepisyo sa GCTA Law ang mga habitual delinquents at recidivist.

Paliwanag ni Veloso, tila hindi tamang ihanay ang nabanggit na mga convicted persons deprived of liberty sa mga gumawa ng karumaldumal na krimen.

Sinegundahan naman ito ng kalihim at sinabing naghain na rin siya ng rekomendasyon sa mataas na kapulungan para sa mga posibleng amiyenda sa kontrobersyal na batas.