Joint Task Force-NCR, may bagong commander

Si Brig. Gen. Cristobal Zaragoza, ang concurrent na 4th Infantry Division Assistant Division Commander for Operations, ang bagong Commander ng Joint Task Force-NCR.

Pinalitan ni Brig. Gen. Zaragoza si Brigadier General Abraham Claro Casis sa Change of Command Ceremony, na pinangunahan ni AFP Chief of Staff General Benjamin Madrigal Jr. sa Camp Aguinaldo kahapon.

Si Brig. Gen. Casis, na miyembro ng Military Academy (PMA) Sandiwa Class of 1985, ay magreretiro sa serbisyo matapos ang mahigit 35 taong paglilingkod.

Ang bagong Commander ng JTF-NCR na si Brig. Gen. Zaragoza, ay miyembro naman ng PMA Class of 1987.

Una rito, si Brig. Gen. Zaragoza ay nagsilbing Commander ng 401st “Unity” Brigade na nagsulong ng Peace and Development efforts sa Agusan del Norte at Agusan del Sur, at commander ng Task Force Davao noong 2015.

Si Brig. Gen. Zaragoza ay may malawak na karanasan sa intelligence community bilang dating Chief of Staff ng Intelligence Service ng AFP.  | ulat ni Leo Sarne