Joint Quick Response Team, makikipag-ugnayan na sa PAGASA tuwing may pag-ulan

Mas magiging agresibo na ang Joint Quick Response Team on Transportation (JQRT) ng pamahalaan sa panahon ng pagtugon sa pangangailangan ng publiko.

Ayon kay Inter Agency Council for Traffic at LTFRB Board Member Spokesperson Atty. Aileen Lizada, plano ng JQRT na makipag-ugnayan na sa PAGASA Weather Bureau para mas mapadali ang pagtukoy sa mga lugar na makararanas ng pag-ulan at pagbaha.

Sa panig ng JQRT, makatutulong daw ito sa kanila para makapagpadala agad ng government vehicles para tulungan ang mga stranded na pasahero.

Halos wala namang pagkakaiba ito sa ginagawa ng JQRT tuwing may ginagawang transport strikes.

Ang MMDA ang mangunguna sa pagdi-dispatch ng mga gagamiting sasakyan sa anim na holding areas sa Metro Manila.

Ang JQRT ay binubuo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Metro Manila Development Authority at Department of Transportation (MMDA). | ulat ni Rey Ferrer