Joint Quick Response Team for Transportation, inalerto na para sa transport strike ng PISTON jeepney transport group sa Lunes — LTFRB

Sinabi ni LTFRB Board Member at Inter-Agency Council on Traffic Spokesperson Atty. Aileen Lizada ,ang kanilang Joint Quick Response Team ay magtatalaga ng dalawampung bus na mag-iikot sa anim na staging areas.

Handa na ang Joint Quick Response Team for Transportation sa muling paglunsad ng tigil pasada ng PISTON transport group sa Lunes.

Sinabi ni LTFRB Board Member at Inter-Agency Council on Traffic Spokesperson Atty. Aileen Lizada ,ang kanilang Joint Quick Response Team ay magtatalaga ng dalawampung bus na mag-iikot sa anim na staging areas.

Apatnapung bus marshalls mula sa NCRPO ang idi-deploy din upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga maaapektuhang commuters. May mga tauhan din ng LTFRB, PNP-Highway Patrol Group at LTO sa mga lugar kung saan may mga pagkilos ang PISTON.

Bukod dito, mag-aalok pa ng libreng sakay ang ilang government vehicles na magmumula sa MMDA, DPWH, Philippine Coast Guard at Joint Task Force NCR ng Philippine Army.

Kabilang sa tinukoy na lugar ng protesta ang Cubao at Novaliches sa Quezon City, Anda Circle sa Maynia, Monumento sa Caloocan , Alabang, Muntinlupa, Cavite, Laguna, Rizal at Batangas.

Jeepney modernization program ng gobyerno pa rin ang isyu sa transport strike ng grupo ng Piston. | via Rey Ferrer