Joint patrol at pursuit operation ng water at air assets ng Western Mindanao Command, lalo pang pinatindi

Ang direktiba ay kasunod ng napigilang seajacking attempt ng mga armadong grupo kamakalawa ng gabi sa Philippine-flagged cargo vessel na M/V Kudos 1 nang masiraan ito ng makina habang nasa bisinidad ng Coco at Sibago Islands sa Basilan.

Lalo pang pinaiigting ngayon ni Western Mindanao Command (WestMinCom) Chief Lt. Gen. Carlito Galvez Jr. ang joint maritime patrol at pursuit operation ng Philippine Navy, Air Force at Coast Guard sa Karagatan ng Mindanao Region laban sa piracy at iba pang krimen.

Ang direktiba ay kasunod ng napigilang seajacking attempt ng mga armadong grupo kamakalawa ng gabi sa Philippine-flagged cargo vessel na M/V Kudos 1 nang masiraan ito ng makina habang nasa bisinidad ng Coco at Sibago Islands sa Basilan.

Nabatid pa kay Galvez na buong tapang na pumagal ang crew na binuhusan nang mainit na tubig ang mga gunmen na unti-unti ng inaakyat ang barko.

Agad rin aniyang naitimbre ng kapitan ng cargo ship ang pag-atake kaya’t nakapagpadala ng pwersa ang Navy at Coast Guard gayundin ay nakapagsagawa ng aerial survey at patrol ang dalawang eroplano ng Air Force.

Ligtas namang nakabalik sa Zamboanga Port, kahapon (February 17) ang barko at ang 27 crew nito na ang ilan sa kanila ay nagtamo ng minor injuries nang masugatan sa mga basag na gamit matapos magpaputok ang armadong grupo. | via Shane Juan