Japanese destroyer, darating sa bansa bukas

Inaasahan ng Philippine Navy ang pagdating bukas ng isang Japanese destroyer para sa dalawang araw na port visit.
 
‭Ayon kay Captain Lued Lincuna, ang tagapagsalita ng Philippine Navy, alas-7:30 ng umaga bukas ay dadaong sa Pier 15 ng Manila South Harbor ang Japanese ship Setogiri (DD-156) na isang Asagiri Class Destroyer.
 
‭Ang barko na bahagi ng Japan Maritime Self Defense Forces ay mayroong sakay na isang helikopter.‬
 
‭Ang Japanese delegation na kinabibilangan ng 220 officers at crew ng barkong pandigma ay pinamumunuan ni Captain Susumi Moriyama, Commander of Escort Division Seven at Commander Tokeshi Tonegawa, Commanding Officer ng Japanese Ship Setogiri. ‬
 
‭Pagkakalaooban ng Philippine Navy ng Welcome Ceremonies ang Japanese Maritime self Defense Force delegation matapos ang tradisyunal na pagsalubong sa karagatan sa Japanese destroyer ng isang barko ng Philippine Navy. | via Leo Sarne