Janet Lim-Napoles, hindi pa rin lusot sa pananagutan kahit pumasa ito sa Witness Protection Program

Hindi pa rin lusot si pork barrel scam queen Janet Lim-Napoles sa pananagutan nito kahit ideklara itong kuwalipikadong mapasailalim sa Witness Protection Program (WPP).

Ito ang binigyang-diin ni Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque sa gitna ng mga batikos hinggil sa pagsasailalim kay Napoles sa witness protection program o WPP.

Paliwanag ng Palace spokesman, korte lang ang maaaring magbigay ng immunity sa sinasabing utak ng multi-milyong scam.

Magkaiba aniya ang usapin sa pagsasa-ilalim sa witness protection sa pagiging state witness.

Kaugnay nito’y nilinaw ni Roque na under study at wala pang desisyon kung maaaring ilagay sa witness protection ang tinaguriang pork barrel queen.  | via Alvin Baltazar