Jalandoni at Agcaoili, babalik sa bansa para i-delay ang local peace talks – Lorenzana

Babalik sa bansa ang dating National Democratic Front (NDF) negotiators na sina Luis Jalandoni at Fidel Agcaoili para lang i-delay ang localized peace talks.

Ito ang inihayag ni Department of National (DND) Secretary Delfin Lorenzana, kasabay ng pagbwelta sa akusasyon ni Satur Ocampo na nagpakita ng “bad faith” ang pamahalaan nung isinasagawa ang peace talks.

Giit ni Lorenzana, ang NDF ang nagpakita ng bad faith dahil ginamit lang nila ang peace talks para maisulong ang kanilang agenda.

Gawain na aniya ng CPP/NPA/NDF na gamitin ang peace talks bilang pagkakatoan para makapag-recruit at makapagpalakas ng pwersa.

Ganito na naman aniya ang agenda ni Joma Sison, sa pagkakataong ito kaya niya pinabalik sa bansa si Jalandoni at Agcaoili para makipag-usap sa pamahalaan.

Ayon kay Lorenzana, marami na kasi sa mga komunista ang sumuko dahil sa tagumpay ng E-CLIP program, kaya gusto na naman ni Sison ng pagkakataon para makarecover ang kanilang pwersa. | ulat ni Leo Sarne