Items na naiwan ng mga pasahero sa NAIA, idinonate

Umaabot sa daan-daang iba’t-ibang items na naiwan ng mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang idinonate ng Lost and Found and Intelligence Investigation ng Manila International Airport Authority (MIAA) sa malalaking orphanage foundation.

Kabilang sa mga naidonate ay ang 32 pirasong baby strollers, 98 pirasong┬á tungkod para sa mga senior citizen at 294 pirasong mga iba’t-ibang klase ng mga payong.

Ayon kay MIAA General Manager Ed Monreal, may panuntunan silang sinusunod na kapag hindi na kinukuha ng mga pasahero ang kanilang mga naiwan na gamit gaya ng mga nabangit na mga bagay, ay maghihintay sila ng halos kalahating taon bago sila magpasya na idonate na sa mga foundation.

Labing anim na pirasong baby strollers ang tinanggap ng Santa Rita Orphanage na nasa Dr. A Santos Avenue, Sucat, Paranaque City, at 16 piraso ding baby strollers sa Home for the Angels Child Caring Foundation na nasa San Andres Bukid sa Manila.

Samantala, 98 piraso ng walking canes ang natanggap ng Samahan ng mga Senior Citizen sa Barangay 201, Pasay City, at 294 pirasong assorted umbrella ang ipinagkaloob sa mga estudenyante ng Rivera Village Elementary School Pasay City. | ulat ni Ariel Fernandez