Itatalagang Chief Justice kapalit ni de Castro, magmumula sa tinaguriang few good – Pangulong Duterte

Wala pa ring napagpapasiyahan si Pangulong Rodrigo Duterte kung sino ang kanyang ipapalit kay Chief Justice Teresita Leonardo-de Castro na nakatakdang magretiro ngayong araw na ito.

Sabi ng Presidente, ilang mga pangalan pa ang kanyang pinag-aaralang posibleng maging susunod na Punong Mahistrado.

Siniguro ng Pangulo, na ang kanyang ipupuwestong indibidwal sa pinakamataas na posisyon sa Korte Suprema ay kuwalipikado at nahahanay sa tinaguriang “few good men”.

Ang kailangan lang ayon sa Pangulo, ay maayos itong mahanap sa gitna ng ilang mga pangalang nakarating na sa kanyang tanggapan.

Si Justice de Castro ay nakatakadang magretiro ngayong araw na ito matapos makapag-silbi bilang Chief Justice ng apatnapu’t araw, habang umabot naman ang kanyang serbisyo sa katas-taasaang hukuman sa loob ng sampug taon at walong buwan. | ulat ni Alvin Baltazar