Isyu ng South China Sea, kasamang tatalakayin sa Boao Forum; Special panel, binuo

Kabilang ang isyu sa South China Sea sa nakatakdang pag-usapan sa Boao Forum for Asia.

Sinabi ni Philippine Ambassador to China Jose Santiago Sta. Romana na sa katunayan, mayroon pa ngang binuong special panel na ang karamihan ay nasa akademiya at diplomat.

Makakabilang sa hanay ng China ay isang Professor Wu Shicun, head ng China’s Center for South China Sea Studies ganundin si dating Chinese Vice Foreign Minister Fu Ying.

Sa panig naman ng Pilipinas, isang kinatawan mula sa Philippine Embassy at si dating Energy Secretary Popo Lotilla ang mauupo at makakasama sa diskusyon.

Sa tanong kung bakit kasama ang dating kalihim ng Energy Department, sinabi ni Sta. Romana na eksperto sa usapin si Lotilla na isang internationa law expert na nagsagawa na ng pagsasaliksik sa isyu. | via Alvin Baltazar