Isyu kay Ex-mayor Sanchez, tapos na para sa Malacañang at di na dapat pag-usapan

Wala ng dahilang nakikita pa ang Malacañang para pag-usapan ang pumutok na kontrobersiya tungkol sa una ng napabalitang napipintong paglaya ni dating Calauan Mayor Antonio Sanchez.

Sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel at Spokesperson Salvador Panelo, na wala ng Sanchez pang dapat na mapagdiskusyunan, gayung malinaw namang hindi ito kwalipikadong makalaya.

Ineligible ayon kay Panelo ang dati niyang kliyente para magbenepisyo sa RA 10592, kahit sabihin pang nagpakita ito  ng magandang pag- uugali sa kulungan.

Maaaring hindi lang aniya napansin ang probisyon ng RA 10592, na hindi saklaw  nang paglaya ang mga nahatulan dahil sa heinous crime, dahil nakalagay ito sa bandang hulihan ng probisyon.

Kaya pagbibigay diin ng tagapagsalita ng Palasyo, tapos na ang isyu kay Sanchez at hindi na dapat pang pag-usapan.