Israel, nakahandang magbigay ng ventilators at iba pang hospital equipment sa Pilipinas

Nakahanda ang Israel na magbigay ng ventilators at iba pang kagamitan para sa mga ospital sa Pilipinas.

Ito ang napag-usapan sa pulong ng Department of Health (DOH) kasama ang health experts mula sa Israel kamakailan lang.

Ayon kay Treatment Czar Leopoldo Vega, tiniyak ng Israeli experts na tutulungan nila ang Pilipinas sa gitna ng pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Sa kasalukuyan ay tumataas na rin ang COVID-cases sa Israel, pero 90% na ng kanilang populasyon ang nabakunahan na. Dahil dito ay nabawasan na ang mga nao-ospital at namamatay dahil sa COVID sa Israel.

Sa Pilipinas naman ayon kay Vega ay may kakayahan na tayong magturok ng mahigit 500,000 doses kada araw.

Bukod pa rito ay mahigit sa 4,000 na ang mga designated vaccination sites ng DOH sa iba’t-ibang panig ng bansa na may kakayahang mag-bakuna ng mahigit sa 500,000 na recipients kada araw.