Isko Moreno, itinalagang undersecretary sa DSWD ng Pangulong Duterte

Itinalaga ng Pangulong Rodrigo Duterte si dating Manila Vice Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso bilang undersecretary ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ito ay base na rin sa inilabas na appointment letter ngayon ng MalacaƱang na may petsang May 8, 2018.

Matatandaang Oktubre 2017 nang magbitiw sa pwesto bilang CEO at miyembro ng North Luzon Railway Corporation si Domagoso matapos italaga doon ng Pangulong Duterte noong Hulyo 2017.

Maliban kay Domagoso, apat pang mga indibidwal ang itinalaga ng Pangulo sa iba pang mga posisyon sa pamahalaan.

Kabilang na dito sina Sherwin Smith Rigor bilang undersecretary ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), Antonio Joselit Lambino II bilang Assistant secretary ng Department of Finance (DOF) at Gerard CamiƱa bilang member ng board of directors ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA). | via Nimfa Mae Asuncion