ISIS sleeper cells, nagpapanggap na mga Kristiyano – Army Chief Gen. Bautista

Nanindigan si Philippine Army Commanding General Rolando Joselito Bautista na may mga ISIS sleeper cells na nakakalat sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Ayon kay Gen. Bautista, ang ISIS sleeper cells na ito ay wala sa Muslim communities at nagpapanggap na mga Kristiyanong miyembro ng komunidad.

Maaari aniyang mga dating Kristiyano ang mga ito na nagbalik-Islam pero hindi nagpapahalata.

Paliwanag ni Bautista, ang panganib ay kapag ma-activate ang sleeper cells na ito at maghasik ng karahasan sa mga lugar na hindi identified na terrorist areas.

Matibay aniya ang impormasyong hawak ng AFP na base sa mga na-intercept na komunikasyon sa mga terorista noong panahon ng Marawi siege at sa salaysay ng mga napalayang mga hostages.

Batay aniya sa hawak nilang impormasyon, may sleeper cells sa Antipolo, Tarlac at Pangasinan. | ulat ni Leo Sarne