Isang paaralan sa QC, sasailalim sa anti-dengue operation ngayong umaga

Sasailalim ngayong umaga sa anti-dengue operations ang Ilang lugar sa Barangay West Fairview, Quezon City.

Mismong si QC Mayor Joy Belmonte at City Health Officer Dr. Esperanza Arias ang mangunguna sa aktibidad.

Unang puntirya ng clean up drive ay ang West Fairview Elementary School.

Pormal ding ipagkakaloob sa Barangay Health Center at Barangay Hall ang Oliset nets at mga gagamiting insect repellant para sa spraying activities.

Ang West Fairview ay kabilang sa 10 barangay na tinututukan ng city government na may mataas na kaso ng nagkakasakit na dengue.

Bukod sa Barangay Fairview, kasama din na binabantayan ang Barangay Payatas, Commonwealth, Holy Spirit, Batasan, Pasong Tamo, Bagong Silangan, Bagbag, Tandang Sora at Tatalon.

Sa Barangay Commonwealth, puspusan at araw-araw din ang ginagawang paglilibot ng mga barangay officials at hinihikayat ang mga residente na makiisa sa clean up drive.

Prayoridad din sa clean up operations at spraying activities ng lokal na pamahalaan ang mga paaralan sa lungsod.

Base sa datos, nasa 3,502 ang bilang ng kasong dengue ang naitala sa QC mula Enero hanggang Agosto 10 ngayong taon at 29 ang nasawi.

Pero mababa pa rin ito ng 15% kumpara sa kapaheromg panahon noong 2018.