Isang mall establishment sa Pasig City, nakatanggap ng Safety Seal

Binigyan na ng Safety Seal ang isang mall establishment sa Pasig City, matapos maka-comply sa mga itinakdang health at safety protocols ng pamahalaan laban sa COVID-19.

Ayon kay Mayor Vico Sotto, nakapasa sa ginawang inspeksyon ng Department of the Interior and local Government (DILG), Department of Trade and Industry (DTI), at ng local government, ang Estancia Estancia sa Capitol Commons.

Deklarasyon umano ito, na ang naturang establisyimento ay sumusunod sa permitting requirements ng lokal na pamahalaan, at ligtas ito para sa mga bumibisitang customer, kliyente, at mga empleyado.

Ito ang unang mall na ginawaran ng local government ng Safety Seal, na layong maiaangat ang kumpiyansa ng publiko sa mga negosyo sa Pasig.

Patuloy namang hinikayat ng local government ang private establishments, na mag-apply din ng kanilang Safety Seal certification.