Isang kilometro na taas ng usok, sumingaw sa Bulkang Taal — PHIVOLCS

Pinawi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang pangamba ng publiko kasunod ng paglalabas ng usok sa bunganga ng Taal Volcano.

Sumingaw ang usok sa bungabunga ng Bulkang Taal na may taas na halos isang kilometro matapos mabasa ang ibabaw nito habang nananatiling mainit dulot ng panahon.

Kasunod nito nilinaw ng PHIVOLCS na walang pagsabog na naganap at ang nakitang usok ay epekto lang ng localized thunderstorm kahapon hanggang kaninang madaling araw

Sa katunayan wala silang naitala ni isang volcanic earthquake sa buong magdamag.

Aabot naman sa 3,298 na tenolada ng sulfur dioxide ang ibinuga ng bulkan.

Sa ngayon nasa level 2 pa rin ang alert level ng Bulkang Taal kung saan bawal pa rin ang pagpasok sa itinakdang permanent danger zone.