Isang kasangkapan para sa patuloy na paglaban sa korapsyon, inilunsad ng DILG

Inilunsad ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ngayong araw ang “Enhanced Full Disclosure Policy Portal”, isang kasangkapan na ginagamit sa patuloy na paglaban sa korapsyon sa gobyerno.

Kailangan sa “full disclosure policy” na ang mga lokal na pamahalaan ay ihahayag ng buo ang partikular na ‘financial documents’ upang mapanatiling alam ng mga nasasakupan kung pano pinapangasiwaan, ginagastos, at ginagamit ang local government budget.

Ayon kay DILG Undersecretary for Operations Epimaco Densing, ang mahalagang sangkap ng serbisyo publiko ay “transparency and accountability.”

Anya, ito ang sinumpaan tungkulin ng mga lokal na ehekutibo upang mapaigi ang buhay ng mga Pilipino, kung kaya’t kailangan na bigyan nila ang kanilang nasasakupan ng kaalaman kung pano pinapatakbo ang kanilang lokalidad.

Ang ‘full disclosure policy portal’ ay nilikha ‘nung 2012 ngunit dahil bahagyang nahirapan ang mga lokal na pamahalaan na makatugon sa ‘full disclosure’ bunsod ng kawalan ng website at malaking gastos sa pagbili ng print space, ang DILG sa pamamagitan ng Philippines Development Forum ay naglabas ngayon ng ‘enhanced portal’.

Dito, ang mga nakalagay na dokumento ay mas madaling nang intindihin ng publiko dahil sa infographics.  | ulat ni Ched Oliva