Isang inmate, nais lumapit kay Sen. Go para magsiwalat ng dagdag impormasyon sa GCTA for sale

Nais lumapit ng isang inmate kay Senador Christopher ‘Bong’ Go upang magsiwalat rin ng impormasyon tungkol sa sinasabing Good Conduct Time Allowance (GCTA) for sale sa loob ng bilibid.

Nanggaling ang impormasyon na yan kay Ginang Yolanda Camilon, ang tumayong witness sa senado tungkol sa isyu.

PANOORIN | Tumatayong testigo sa GCTA for sale na si Gng. Yolanda Camilo, humarap sa media para idetalye ang mga ibinunyag niya kagabi sa pagdinig ng Senado. | via Nimfa Asunción

Posted by Radyo Pilipinas on Thursday, September 5, 2019

Ayon kay Ginang Camilon, matanda na itong inmate na lumapit sa kanya ng personal at nais magsiwalat ng dagdag na impormasyon.

Nananatili rin aniya itong inmate na ito sa minimum security compound.

May mga hawak aniya itong dokumento, na magpapatunay na noon pa nangyayari ang ilegal na kalakaran ng pagbabayad kapalit ang kalayaan ng mga preso sa loob ng Bilibid.

Matatandaang sa pagdinig ng senado tungkol sa isyu, si Ginang Camilon, na common law partner ng isang inmate sa minimum security compound ng NBP, ang iprinisintang vital witness para mapatunayan ang nangyayaring ‘GCTA for sale’ sa bilibid.