Isang business establishment sa QC, ipinasara ng BIR

Tuluyan nang ipinasara ng Bureau of Internal Revenue ang ang isang business establishment sa Quezon City dahil sa paglabag sa tax code o hindi pagbabayad ng tamang buwis sa pamahalaan.

Ang closure order ay inilabas ng BIR Regional District Office 38 North Quezon City laban sa isa sa maraming sangay ng Elarz Lechon na matatagpuan sa Speaker Perez Barangay Sta. Teresita, Quezon City.

Sinabi ni BIR Regional Director Marina De Guzman, umaabot sa P1.8 milyong piso ang tax liabilities ng business stablishment ang hindi nabayaran nito para sa 2016 taxable year at P3.2 milyon piso sa nakalipas na apat na buwan noong 2017.

Ito ay sa kabila ng ibinigay na notice ng BIR noong Disyembre 2017 para ayusin ang kanilang pagkakautang.

Pagkatapos ng limang araw na pagpadlock sa establisamiento, may pagkakataon pang silang bayaran ang pagkakautang sa buwis pero posibleng maharap sa criminal liability kung may matuklasan pang tax evasion ito. | via Rey Ferrer