Isa sa close contact ng 2 kaso ng Delta-variant sa Maynila, nag-positibo sa COVID-19

Kinumpirma ni Manila Mayor Isko Moreno na isang close contact ng dalawang Delta-variant cases sa Lungsod ng Maynila ang nag-positibo sa COVID-19.

Ayon kay Mayor Isko, ang sample ng pasyente ay hindi na isinumite para sa genome sequencing sa Philippine Genome Center dahil sa high city value.

Sinabi pa ng Alkalde ng Maynila na tatlong linggo na ang nakakalipas bago sinabi ng Department of Health na meron ng Delta-variant sa Maynila.

Nag-negatibo naman sa virus ang mga naunang sumailalim sa contact tracing .

Sa ngayon ay wala pang ipinapadala sa Philippine Genome Center na iba pang samples dahil maaaring regular lamang na COVID-19 o mataas sa threshold ang city value doon.

Tiniyak din ni Mayor Isko na may mga hakbang ng ginagawa ang mga lokal na pamahalaan laban sa pagkalat ng COVID-19 gaya ng testing, contact tracing, Isolation at vaccination para sa ibat-ibang variants ng COVID-19.