Isa patay, 15 sugatan sa panibagong pagsabog sa Isulan, Sultan Kudarat kagabi

Isa ang patay at 15 ang sugatan sa panibagong pagsabog kagabi sa Isulan, Sultan Kudarat.

Sa ulat ng Police Regional Office 12 Director Chief Supt. Eliseo Tam Rasco kay Philippine National Police (PNP) Chief Director General Oscar Albayalde ang pagsabog ay naganap dakong 7:35 kagabi sa Renz Internet Cafe, corner Valencia and Valdez St., Brgy. Kalawag 2, Isulan, Sultan Kudarat.

Ang nasawi sa pagsabog ay kinilalang si Jan Mark Palencia Lupa, 18 taong gulang, na dead on arrival sa ospital, habang apat sa 15 sugatan ang lubhang nasugatan.

Isang improvised explosive device ang pinaghihinalaang sanhi ng pagsabog.

Ang panibagong pagsabog ay isang linggo lang makalipas ang unang pambobomba sa fiesta ng Isulan na ikinamatay ng tatlo at ikinasugat ng 35.  | ulat ni Leo Sarne