Isa pang opisyal ng pamahalaan, namimiligrong matanggal sa pwesto ayon kay Pangulong Duterte

Ipinahiwatig ito ng Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pagharap sa mga taga Bangko ng Sentral ng Pilipinas kahapon.

Ayon sa Presidente, panay ang ikot ng opisyal na ito sa iba’t ibang bahagi ng bansa pero wala naman siyang nakikitang development o resulta sa climate change ng bansa sa kanyang mga pagbiyahe.

Kabilang aniya sa mga napuntahang bansa ng mga opisyal na ito ay ang Tokyo, Africa, Indonesia at Brussels.

Pagbibigay-diin ng Pangulo, hindi naman kailangang gumugol ng milyong piso para lang sa pagdalo sa mga meeting na ito lalo’t ¬†wala naman itong naiuwing resulta para sa bansa. | via Nimfa Ma Asuncion