Isa pang international telecommunication company, nagpahayag ng pagnanais na mamuhunan sa Pilipinas ayon sa Malacañang

Una dito’y lumutang ang China Telecom, na nakahandang maglagak ng puhunan na inaasahan namang wawasak sa duopoly ng local telecommunications industry.

Nadagdagan pa ang international telecommunications company na nagnanais na maging third player party na nakahandang mamuhunan sa Pilipinas sa larangan ng komunikasyon.

Sinabi ni Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar, na sa ginanap na Cabinet meeting, iniulat ni Department of Information and Communications Technology OIC Eliseo Mijares Rio Jr. kay Pangulong Rodrigo Duterte ang interes ng PT&T company na makilahok sa pagpapaganda ng telecommunication services sa bansa.

Una dito’y lumutang ang China Telecom, na nakahandang maglagak ng puhunan na inaasahan namang wawasak sa duopoly ng local telecommunications industry.

Sinabi ni Andanar na minamadali na ngayon ng DICT ang kailangang mga dapat gawin upang makapasok na ang mga interesadong third players na tiyak aniyang magbibigay ng magandang benepisyo sa mga subscriber at magpapalakas sa kompetisyon ng mga nasa telecommunication business.

Panghihikayat din ani Andanar ito sa dalawang higanteng telcos sa bansa, upang maglabas ng kanilang pondo at pagandahin ang kanilang serbisyo. | via Alvin Baltazar