Isa pang bihag ng Abu Sayyaf, pinakawalan na

Matapos na palayaain ang dalawang kinidnap na pulis noong nakaraang linggo, pinalaya ng Abu Sayyaf ang isa pa sa kanilang mga bihag ngayong umaga.

Ito ang kinumpirma ni Brig. Gen. Cirilito Sobejana, commander ng Joint Task Force Sulu.

Hindi muna nagbigay ng detalye ang heneral tungkol sa pinakawalang hostage maliban sa ito ay lalaking Pilipino.

Ayon kay Sobejana ang walang tigil na operasyon ng JTF Sulu ang marahil naging dahilan para pakawalan na ng ASG ang kanilang hostage.

Magugunita na bago pinalaya ang dalawang pulis na sina PO2 Benierose Alvarez at PO1 Dinah Gumahad, inabandona ng ASG ang dalawang Pilipinong kasamahan ng dalawang pulis matapos ang serye ng mga engkwentro sa mga tumutugis na pwersa ng militar. | via Leo Sarne