Isa na namang improvised explosive device, pinasabog sa pier ng Masbate kagabi

Isa na namang improvised explosive device (IED) ang pinasabog sa pier ng Masbate dakong alas-11:00 kagabi.

Iniulat ni PRO5 Regional Director Chief Supt. Arnel Escobal na walang casualties sa naturang pagsabog.

Tanging isang bangka lang aniya ang nasira na pagmamay-ari ng isang Choy Tuazon.

Ayon naman kay Masbate-PNP Provincial Director Senior Supt. Froilan Navarozza, sakay ng bangka ang dalawang suspek na namataan ng port security na nag-iwan ng isang kahon sa hagdan ng pier na daungan ng mga bangka, bago ang pagsabog.

Narekober naman mula sa area ang nagkalat na PVC pipes, paper box at isang sim card.

Sa ngayon, ikinasa na ang post blast investigation para sa agarang pag-aresto sa suspek.  | ulat ni Leo Sarne