Ipinatatawag na pulong ng Palasyo hinggil sa executive order para sa mga manggagawa, hindi umano sisiputin ng ilang labor groups

Pinaplano umanong isnabin ng ilang labor groups ang ipapatawag na pulong ng MalacaƱang sa mga manggagawa sa April 16 (Lunes).

Sa isang press conference, binigyang-diin ni Joshua Mata, Secretary General ng grupong Sentro ng mga Nagkakaisa at Progresibong Manggagawa na dadalo sila kung makikita muna ang nilalaman ng sinasabing executive order (EO) para sa sektor ng paggawa.

Ang tinutukoy nitong E.O. ay ang bersyon umano ni Labor Secretary Silvestre ‘Bebot’ Bello III o ang bersyon ng mga employers.

Bwelta naman ng grupong NAGKAISA Labor Coalition na ang kalihim mismo ang humahadlang sa kanila upang maisulong ang isang komprehensibong hakbang na sosolusyon sa maraming isyu ng labor sector gaya ng ‘contractualization.’

Gayunpaman hindi umano nawawalan ng pag-asa ang iba’t ibang labor groups na tutuparin ng Pangulo ang kanyang pangako sa mga manggagawang Pilipino. | via Shane Juan