Ipinangalandakang video ni Trillanes na siya’y nagsumite ng amnesty application, no bearing – Malacañang

Walang saysay para sa Palasyo ang ipinangangalandakang video ni Senador Antonio Trillanes na aniya’y pruweba na siya’y nag-apply ng amnesty.

Pagbibigay-diin ni Presidential Spokesperson Harry Roque, ang kailangang maipresenta ng senador ay ang dokumento mismo at hindi video.

Dagdag ni Roque na kung sakali mang nakapagpakita ng amnesty application si Trillanes, kailangan din namang makapagpakita ito ng patunay na natanggap ng kinauukulang tanggapan ang kanyang aplikasyon.

Mahalaga din ayon sa tagapagsalita ng Malacañang na maidetalye din ng mambabatas kung ano ang nakasulat sa dokumentong ipinangangalandakan nito kahapon kabilang na ang pag-amin sa krimen na kudeta na ginawa nito noong Arroyo administration.

Muling paninindigan ng Palasyo na walang inihaing aplikasyon at wala ring admission of guilt si Sen. Trillanes na mahalagang element aniya sa paggawad ng amnesty.  | ulat ni Alvin Baltazar