Investor’s confidence sa Pilipinas, lalong lumalakas ayon sa Palasyo

Nananatili at lumalakas pa ang investors confidence sa Pilipinas.

Sinabi ni Presidential Spokesperson  Atty. Harry Roque na batay sa datos ng Department of Trade and Industry, pumalo ang manufacturing investment sa bansa ng 244 percent.

Nakapagtala ito ng 1.5 billion dollar inflows noong 2017 na higit na mas mataas kaysa sa 334.3 million dollars na nai-record noong taong 2016.

Pinaka-nanguna sa manufacturing sector ang may kinalaman sa food business, radio and TV production and communication equipment gayundin ang may kinalaman sa non-chemical products at basic metal and non-metallic mineral products.

Malaking bahagdan ng foreign equity investment ay galing ng Singapore, Japan, The Netherlands, US at Luxemborg. | via Alvin Baltazar