Internal Security Operations ng PNP laban sa NPA sa Mimaropa, sinuspindi

Pansamantalang sinuspindi ng Philippine National Police (PNP) ang lahat ng kanilang internal security operations (ISO)  na walang tamang koordinasyon sa Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga lalawigan ng Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan.

Ito’y kasunod ng naganap na misencounter sa pagitan ng mga sundalo ng army’s 87th Infantry Battalion at mga pulis ng 805th Regional Mobile Force sa Sta. Rita, Samar noong Lunes.

Ayon Kay PRO 4B Spokesperson Police Supt. Imelda Tolentino, ito ang ipinagutos ni PRO 4B Regional Director Police Chief Supt. Emmanuel Luis Licup upang maiwasang maulit ang hindi kanais-nais na insidente.

Sa naturang insidente, anim na pulis ang namatay at siyam na iba pa ang sugatan.

Kasabay nito inatasan ni Licup ang lahat ng mobile forces at public safety battalions ng PNP sa Mimaropa na mahigpit na makipag-coordinate sa AFP sa lahat ng kanilang operasyon.

Bumuo na ng Special Investigation Task Group ang PNP at AFP upang tukuyin ang naging dahilan ng madugong insidente.

Isa sa mga angulong iniimbestigahan ang possibleng lapses sa koordinason ng PNP at AFP na nagresulta sa misencounter. | ulat ni Leo Sarne