Internal cleansing sa NCRPO, tiwalang maipagpapatuloy ng bagong NCRPO Chief — PMGen. Eleazar

Tiwala ang bagong Chief of Directorial Staff ng Philippine National Police (PNP) na si Major General Guillermo Eleazar na magiging buhay na buhay pa rin ang internal cleansing sa hanay ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

Ito ang inihayag ni Gen. Eleazar kasunod ng nakatakda nang turnover ceremony sa pagitan niya at ng bagong NCRPO Chief P/Brig. Gen. Debold Sinas sa Miyerkules, Oktubre 16.

Sinabi pa ni Eleazar na kilalang mahigpit si Sinas sa pamumuno sa kanyang hanay kaya’t tiwala siyang maipagpapatuloy nito ang mga nasimulan ng ngayo’y PNP Chief Police General Oscar Albayalde.

Bagamat aminado si Eleazar na magkahalong emosyon ang kanyang nararamdaman sa paglisan sa NCRPO at ang pagharap sa bago niyang tungkulin.

Nangako ito na hindi pa rin niya aalisin ang tingin sa Metro Manila na siyang kabisera ng bansa.

Bilang kanyang tagubilin, kailangan lang ni General Sinas na maipagpatuloy ang pagbibigay insperasyon sa mga pulis na gawin ng tama ang kanilang tungkulin.