Interes ng bansa, isinaalang-alang ng Pangulo sa pagtanggi nitong gawing stockpile ng armas at bala ang Palawan

Bahagi ng diplomasya ang pasya ni Pangulong Rodrigo Duterte na huwag gawing stockpile ng armas ang Palawan.

Ito ang reaksiyon ng MalacaƱang sa komento ng isang political risk analyst, na ang naturang desisyon ng Presidente ay muling bentahe sa panig ng China, at susunod na logical step ang lugar kasunod ng South China Sea.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, kailangan ng maingat na pagdedesisyon dito ng Pangulo lalo’t iniiwasan nito ang anumang potensiyal na hindi pagkakaunawaan sa kaibigang bansa, na maaaaring humantong pa sa giyera.

Bukod dito ay iniiwasan din aniya ni Pangulong Duterte, na maging flaming collateral damage ang Palawan kundi man maging target ng strategic assault.

Pinakamabuti pa din ani Panelo ang pakikipag diyalogo bilang pinakamabisang paraan upang maisulong ang interes ng bansa, at ito ay sa pamamagitan ng bilateral consultation mechanism.

Sa kabilang dako, ay purely business matter lang ayon kay Panelo ang posibilidad na pagpasok ng chinese electricity producer sa Palawan at daraan aniya sa mahigpit na legal na proseso. | ulat ni Alvin Baltazar